Ano ang Condom?
Ang condom ay isang manipis na barrier na gawa sa latex, polyurethane, o ibang materyal na sinusuot tuwing nakikipagtalik. Pinipigilan nito ang pagbubuntis at binabawasan ang panganib ng mga sexually transmitted infections (STIs).
Paano ito gumagana?
Ang condom ay gumagana sa pamamagitan ng pagpigil sa semen na makapasok sa katawan ng partner. Ang hadlang na ito ay tumutulong upang pigilan ang sperm na makarating sa itlog, kaya’t naiiwasan ang pagbubuntis. Bukod pa rito, ang condom ay tumutulong din upang maiwasan ang pagpapalitan ng mga likido mula sa katawan, na makakatulong upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng mga STI.
Gaano kaepektibo ang method na ito?
Kapag tama at palagiang ginagamit, ang condom ay 98% epektibo, kaya 2 sa 100 kababaihan lang ang maaaring mabuntis sa loob ng isang taon.
Mga pros
- Binabawasan ang panganib ng STIs tulad ng HIV, gonorrhea, at chlamydia
- Pwedeng bilhin kahit walang reseta
- May iba’t ibang uri, laki, at texture
Cons
- Kailangan itago sa tamang lagayan at siguraduhing wasto ang paggamit para maiwasan ang pagkasira
- Hindi nagbibigay proteksyon laban sa ilang STIs tulad ng human papillomavirus (HPV), herpes simplex virus (HSV), trichomoniasis, syphilis, at molluscum contagiosum
Myths and Misconceptions



Kahalagahan ng condoms sa pag-iwas sa mga STI
Ang mga condom ay isang epektibong paraan upang mabawasan ang panganib ng mga sexually transmitted infections (STIs). Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at sa World Health Organization (WHO), ang tama at regular na paggamit ng condom ay malaking tulong upang mabawasan ang pagkalat o pagkakaroon ng mga impeksiyon tulad ng HIV, chlamydia, at gonorrhea. Ang condom ay gumagana sa pamamagitan ng pagpigil sa palitan ng mga likido sa katawan at binabawasan ang direktang kontak sa mga apektadong bahagi. Isa itong mahalagang kasangkapan sa pag-promote ng kalusugan at kaligtasan sa pakikipagtalik.
Ang TRUST ay may dalawang magkaibang condom brands—TRUST Condoms at PREMIERE Condoms. Ang dalawang brands na ito ay binuo para matugunan ang iba’t ibang pangangailangan at preferences ng mga tao. Ipinapakita nito ang commitment namin sa sexual health at wellness, sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na proteksyon na abot ng lahat. Ang TRUST brand ay para sa maaasahan at abot-kayang proteksyon na swak sa pang-araw-araw na gamit, habang ang PREMIERE naman ay para sa mga naghahanap ng mas premium na experience—mas komportable, mas refined, at may dagdag na level ng sophistication.


Orange
Ano ito?
Para sa mas manamis-namis at nakakakilig na mahalan, TRUST Condoms Orange ang asahan.
Bursting with a zesty citrus taste, TRUST Condoms Orange adds a refreshing twist to protection. Stay protected, stay playful—because with TRUST, safety comes with a splash of scent!
Ano ito?
Maximum pleasure, minimal barrier.
Experience the closest thing to skin-on-skin intimacy with our ultra-thin condoms. Designed for ultimate sensitivity without compromising protection.
Kahalagahan ng paglu-lubricate tuwing makikipagtalik
Habang ang ilang kababaihan ay may sapat na natural na lubrication, marami pa rin ang mas nagiging komportable kapag may dagdag na pampadulas—lalo na kung mas tumatagal ang pagtatalik. Kahit na may lubrication na ang condom, mainam pa ring magdagdag ng kaunting water-based na personal lubricant para mas maging mas madulas, mas komportable, at mas enjoyable ang experience. Ang lubricant ay nakakatulong para manatiling madulas ang pakikipagtalik mula simula hanggang matapos, nababawasan ang friction, at mas napapababa ang risk na mapunit ang condom.
Saan Makakabili:
Mga Sanggunian:
Centers for Disease Control and Prevention. (2024). Condom Use: An Overview. Retrieved from https://www.cdc.gov/condom-use/index.html
World Health Organization. (2021). Sexual health and condom use. Retrieved from https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/sexually-transmitted-infections-(stis)
Planned Parenthood. (nd). How effective are condoms? Retrieved August 22, 2024, from https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/condom/how-effective-are-condoms
Buckley, J. (2023, Hunyo 23). What STDs do condoms not prevent? Healthline. Retrieved August 22, 2024, from https://www.healthline.com/health/healthy-sex/what-stds-do-condoms-not-prevent#how-it-happens
