Pag-usapan natin nang prangka ang tungkol sa Premature Ejaculation (PE) o maagang pag-labas. Isa ito sa pinaka-karaniwang sekswal na isyu ng mga lalaki—naaapektuhan ang hanggang 40% ng mga kalalakihan—at wala talagang dapat ikahiya. Pero minsan, ang pagkabahala o ‘anxiety’ at pakiramdam ng guilt na dulot nito ay nagiging paulit-ulit na problema, na kilala rin bilang ‘performance anxiety’.
Good news: Para sa karamihan ng mga lalaking Pilipino, ang PE ay hindi sakit. Madalas, nagmumula ito sa stress, kaba, o pagmamadali sa unang karanasan sa sex. At may solusyon! May mga simple at madaling teknik na pwedeng matutunan para maibalik ang kontrol sa pagtatalik.
Mga Sanhi
Bago natin talakayin ang solusyon, alamin muna natin ang mga posibleng “trigger” ng PE. Karaniwan itong kombinasyon ng:
- Psychological Triggers: Takot na hindi masatisfy ang partner o hindi magaling sa kama, tress sa trabaho, depresyon o pakiramdam ng guilt tungkol sa sex
- Biological Factors: Mababang serotonin levels, Namamagang prostate o Kasabay na Erectile Dysfunction (ED)
Paano turuan ang katawan na tumagal?
May ilang teknik na pwede mong gawin para makontrol ang nalalapit na orgasm. Bonus: Pwedeng isama ang partner mo—extra points sa intimacy at communication.
- Stop-Start Method (Edging)
Layunin: Mag-develop ng awareness sa “point of no return.”
- Ano ang dapat gawin? Stimulate ang ari (manually, orally, o during sex) hanggang sa maramdaman mong malapit ka na.
- Ano ang dapat itigil? Itigil ang lahat ng stimulation ng ~30 seconds hanggang humupa ang urge.
- Ano ang dapat ulitin? Balik sa stimulation at repeat ng 3–4 cycles bago tuluyang mag-ejaculate
- The Squeeze Technique
Para sa mas mabilis na kontrol:
- Ano ang dapat gawin? Kapag malapit na sa climax, huminto.
- Ano ang dapat itigil? Ikaw o partner mo ay pipisitin ang dulo ng ari (sa shaft-ridge area) ng ~30 seconds. Nakakatulong ito para bahagyang humupa ang ereksyon.
- Ano ang dapat ulitin? Kapag humupa na ang urge, continue sa stimulation. Repeat kung kailangan.
- Kegels
Palakasin ang pelvic floor muscles—ang muscles na ginagamit mo para pigilan ang ihi habang umiihi. Ang resulta? Mas kontrolado ang ejaculation.
- Ano ang dapat gawin? Pipisin ang muscles for 3 seconds, tapos relax 3 seconds.
- Ano ang dapat ulitin? 10–15 reps, tatlong beses sa araw. Consistency is key!
Gumamit ng Tamang Condom
Subukan ang PREMIERE Condoms Cruise Control. May special additive ang mga ito para patagalin ang pagtatalik habang safe at protektado. PREMIERE Condoms Cruise Control. These condoms contain a special additive that helps to safely and effectively prolong intercourse while providing necessary protection.
Kailan Dapat Magpatingin sa Expert?
Kung di pa rin gumagana ang techniques at condom after a few weeks, o kung nagdudulot na ito ng stress sa relasyon, time na para magpatingin sa doctor.
- Ang Urologist o Andrologist ang best na i-consult. Matutulungan ka nilang i-check kung may physical cause (prostate, hormones, etc.) at pwede rin mag-recommend ng medical treatment tulad ng pills o creams.
Pro tip: Ang effort mo na pagbutihin ang sexual health mo ay hindi lang para sa sarili mo—act of confidence at respect rin ito sa partner mo.
Mga Sanggunian:
American Urological Association (AUA). (n.d.). Premature Ejaculation. In AUA Patient Education. https://www.auanet.org/patients/product-types/patient-education-materials/premature-ejaculation
Mayo Clinic. (n.d.). Premature ejaculation: Diagnosis & treatment. In Diseases & Conditions. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/premature-ejaculation/diagnosis-treatment/drc-20354900