Ano ito?
Ang progestin-only pills ay naglalaman ng micro dose ng progestin at walang estrogen, kaya't angkop ito para sa mga nagpapasusong ina.
Paano ito gumagana?
Ito ay nagpapakapal ng cervical mucus upang hindi makapasok ang sperm.
Gaano kaepektibo ang method na ito?
Kapag iniinom nang walang pag mintis, ang pill ay 99% epektibo. Ibig sabihin, 1 lamang sa bawat 100 kababaihan ang maaaring mabuntis sa loob ng isang taon. Kung minsanan ay nakakaligtaan na uminom, ito ay 91% epektibo. Humigit-kumulang 9 sa bawat 100 kababaihan ang maaaring mabuntis sa loob ng isang taon.
Mga pros
- Epektibo
- Angkop para sa mga nagpapasusong nanay dahil hindi nito binabawasan ang daloy at dami ng gatas
Cons
- Maaaring makaranas ng mga side effect tulad ng pagkahilo, sakit ng ulo, at pananakit ng mga suso
- Maliit na risk ng pagbuo ng blood clots para sa mga kababaihan na higit sa 40 taong gulang, naninigarilyo, sobra sa timbang, at may mataas na panganib ng mga sakit sa daluyan ng dugo sa kanilang pamilya
Saan Makakabili:
Sanggunian:
Planned Parenthood. (n.d.). How effective is the birth control pill? Planned Parenthood. Retrieved August 22, 2024, from
Ito ay hindi isang patalastas. Ang mga nilalaman ng pahinang ito ay para sa mga layuning pang-impormasyon lamang. Hindi nilalayong i-diagnose at/o gamutin ang anumang kondisyong medikal at hindi dapat bigyang-kahulugan bilang mga pamalit para sa propesyonal na payong medikal. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor bago kumuha ng anumang mga de-resetang gamot na makikita sa pahinang ito.