Ano ito?
Ang Combined Oral Contraceptive (COC) pills ay naglalaman ng estrogen at progestin upang maiwasan ang obulasyon at pagbubuntis. Ang isang buwanang pack ay karaniwang may tatlong linggo ng mga hormone pills at isang linggo ng mga placebo o iron tablets upang magsimula ang iyong regla.
Mayroon ding isang uri ng COC na may cyproterone acetate molecule na maaaring gamutin ang katamtaman hanggang malubhang acne na may kaugnayan sa hormonal imbalance at hirsutism sa mga kababaihan.
Paano ito gumagana?
Ang combination pills ay napatunayan na epektibo dahil naglalaman ito ng parehong estrogen at progestin. Ang estrogen sa COCs ay pangunahing pumipigil sa paglabas ng itlog tuwing obulasyon. Ang progestin naman ay nagpapakapal ng cervical mucus upang hindi makaabot ang sperm sa fallopian tubes.
Gaano kaepektibo ang method na ito?
Kapag iniinom nang walang pag mintis, ang pill ay 99% epektibo. Ibig sabihin, 1 lamang sa bawat 100 kababaihan ang maaaring mabuntis sa loob ng isang taon. Kung minsanan ay nakakaligtaan na uminom, ito ay 91% epektibo. Humigit-kumulang 9 sa bawat 100 kababaihan ang maaaring mabuntis sa loob ng isang taon.
Mga pros
- Epektibo
- Nakakatulong magbigay ginhawa sa pananakit ng regla
- Nakakatulong sa acne
- May proteksyon laban sa ilang uri ng cancer, anemia, at ovarian cysts
Cons
- Maaaring makaranas ng mga side effect tulad ng pagkahilo, sakit ng ulo, at pananakit ng mga suso
- May maliit na panganib ng blood clots sa mga babaeng higit 40 taon, naninigarilyo, overweight, o may history ng vascular diseases sa pamilya
Saan Makakabili:
Sanggunian:
Planned Parenthood. (n.d.). How effective is the birth control pill? Planned Parenthood. Retrieved August 22, 2024, from
Ito ay hindi isang patalastas. Ang mga nilalaman ng pahinang ito ay para sa mga layunin ng impormasyon lamang. Hindi nilalayong i-diagnose at/o gamutin ang anumang kondisyong medikal at hindi dapat bigyang-kahulugan bilang mga pamalit para sa propesyonal na payong medikal. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan bago kumuha ng anumang mga de-resetang gamot na makikita sa pahinang ito.