Ano ito?
Ang injectable contraceptive, na karaniwang kilala bilang Depo o injectable, ay pumipigil sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpapalabas ng hormone na progestin. Ang injection na ito, na ibinibigay ng doktor o healthcare provider, ay nagbibigay ng proteksyon laban sa pagbubuntis sa loob ng tatlong buwan (13 linggo). Pagkatapos matanggap ang injection, ikaw ay fully protected at wala nang kailangang ibang aksyon.
Paano ito gumagana?
Sa loob ng tatlong buwan, patuloy na naglalabas ng progestin ang injectable na nagpapapalapot ng cervical mucus upang pigilan ang sperm na makarating sa itlog para sa fertilization. Bukod pa rito, pinapahirapan nito ang isang fertilized na itlog na kumapit sa dingding ng matris, na lalong pumipigil sa pagbubuntis.
Gaano kaepektibo ang method na ito?
Kung ginagamit ng tama, ang injectable ay 99% epektibo, ibig sabihin, isa lamang sa bawat 100 babae ang maaaring mabuntis sa loob ng isang taon.
Mga pros
- Ang isang injection ay nagbibigay ng proteksyon sa loob ng tatlong buwan
- Maginhawa para sa mga ayaw ng araw-araw na pag-inom ng pills
- Nakakapagpabawas o tuluyang nakakawala ng pananakit ng regla
- Pinapababa ang panganib na magkaroon ng endometrial cancer
Cons
- Maaaring makaranas ng mga side effect tulad ng sakit ng ulo, pagbaba ng libido, at reaksyon sa brasong ginamit para sa injection
Sanggunian:
Planned Parenthood. (n.d.). Birth control shot. Planned Parenthood. Retrieved August 22, 2024, from
https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/birth-control-shot
Ito ay hindi isang patalastas. Ang mga nilalaman ng pahinang ito ay para sa mga layuning pang-impormasyon lamang. Hindi nilalayong i-diagnose at/o gamutin ang anumang kondisyong medikal at hindi dapat bigyang-kahulugan bilang mga pamalit para sa propesyonal na payong medikal. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor bago kumuha ng anumang mga de-resetang gamot na makikita sa pahinang ito.