Ano ito?
Ang Combined Oral Contraceptive (COC) pills ay naglalaman ng estrogen at progestin upang maiwasan ang obulasyon at pagbubuntis. Ang isang buwanang pack ay karaniwang may tatlong linggo ng mga hormone pills at isang linggo ng mga placebo o iron tablets upang magsimula ang iyong regla.
Drospirenone + Ethinylestradiol
Ang drospirenone at ethinylestradiol ay mga sintetikong hormone na nagtutulungan para maiwasan ang pagbubuntis at mapanatiling regular ang iyong regla. Pero bukod sa pangunahing gamit nito bilang kontraseptibo, may iba pa itong mga benepisyong naibibigay.

Ano ang Ikinaganda Nito
Mas magandang kutis: Tinutulungan ng drospirenone na bawasan ang acne sa pamamagitan ng pagsalungat sa mga hormone na nagdudulot ng sobrang langis sa balat.
Mas kaunting bloating at stable na timbang: Dahil sa antimineralocorticoid na epekto nito, nababawasan ang water retention kaya marami ang nakararanas ng mas kaunting bloating at minimal na pagbabago sa timbang.
Regular na regla: Mas consistent ang iyong cycle.
Cyproterone Acetate + Ethinylestradiol
Ang combined pill na ito ay pumipigil sa pagbubuntis habang tinutugunan din ang mga hormonal na isyu na nakakaapekto sa iyong balat at regla.
Ano ang Ikinaganda Nito
Tumutulong Mawala ang Acne: May malakas na anti-androgen na epekto ang cyproterone acetate, kaya nababawasan ang sobrang langis at napapabuti ang moderate hanggang severe na acne—lalong kapaki-pakinabang para sa kababaihang may PCOS.
Inaayos ang Menstrual Cycle: Tinutulungan nitong maging mas predictable at manageable ang iyong periods, na kadalasang naaapektuhan ng PCOS.
Mas Komportableng Pakiramdam: Tinutulungan nitong i-balanse ang hormones para mas kaunti ang hassle at discomfort sa cycle mo.

Ethinylestradiol + Levonorgestrel
Ang Ethinylestradiol + Levonorgestrel ay isang combined oral contraceptive pill (COC) na may dalawang hormones: estrogen (ethinylestradiol) at progestin (levonorgestrel). Kilala at matagal nang ginagamit ang formulation na ito para sa epektibong pagpigil sa pagbubuntis, at nagbibigay din ng dagdag na benepisyo sa pag-regulate ng cycle.
Ano ang Ikinaganda Nito
Subok at Maaasahang Formulasyon: Ang Levonorgestrel ay isang second-generation progestin na matagal nang napatunayan na epektibo at ligtas para sa pagpigil sa pagbubuntis kapag ginagamit ayon sa instructions.
Mas May Kontrol sa Menstrual Cycle: Tinutulungan nitong ayusin ang regla at gawing mas predictable ang iyong periods.
Mas Magaan na Regla Nakakatulong bawasan ang daloy at cramps para mas comfortable ang iyong monthly cycle.

Para Ba Ito sa’Yo?
May iba't ibang klase ng combined oral contraceptive pills (COCs), bawat isa ay ginawa para tugunan ang iba’t ibang pangangailangan—mula sa pag-regulate ng cycle, pagtulong maibsan ang mga hindi komportableng pagreregla, hanggang sa partikular na hormonal concerns.
Ang pagpili sa tatlong klase ng formulation ng combined oral contraceptive pills ay depende sa iyong kalusugan, lifestyle, at personal na preference.
Makipag-ugnayan sa isang healthcare provider para matulungan kang malaman kung alin ang pinaka-akma para sa’yo.
Paano ito gumagana?
Ang combination pills ay napatunayan na epektibo dahil naglalaman ito ng parehong estrogen at progestin. Ang estrogen sa COCs ay pangunahing pumipigil sa paglabas ng itlog tuwing obulasyon. Ang progestin naman ay nagpapakapal ng cervical mucus upang hindi makaabot ang sperm sa fallopian tubes.
Gaano kaepektibo ang method na ito?
Kapag iniinom nang walang pag mintis, ang pill ay 99% epektibo. Ibig sabihin, 1 lamang sa bawat 100 kababaihan ang maaaring mabuntis sa loob ng isang taon. Kung minsanan ay nakakaligtaan na uminom, ito ay 91% epektibo. Humigit-kumulang 9 sa bawat 100 kababaihan ang maaaring mabuntis sa loob ng isang taon.
Mga pros
- Epektibo
- Nakakatulong magbigay ginhawa sa pananakit ng regla
- Nakakatulong sa acne
- May proteksyon laban sa ilang uri ng cancer, anemia, at ovarian cysts
Cons
- Maaaring makaranas ng mga side effect tulad ng pagkahilo, sakit ng ulo, at pananakit ng mga suso
- May maliit na panganib ng blood clots sa mga babaeng higit 40 taon, naninigarilyo, overweight, o may history ng vascular diseases sa pamilya

Myths and Misconceptions



Saan Makakabili:
Sanggunian:
Planned Parenthood. (n.d.). How effective is the birth control pill? Planned Parenthood. Retrieved August 22, 2024, from
Ito ay hindi isang patalastas. Ang mga nilalaman ng pahinang ito ay para sa mga layunin ng impormasyon lamang. Hindi nilalayong i-diagnose at/o gamutin ang anumang kondisyong medikal at hindi dapat bigyang-kahulugan bilang mga pamalit para sa propesyonal na payong medikal. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan bago kumuha ng anumang mga de-resetang gamot na makikita sa pahinang ito.