Ano ito?
Ang no-scalpel vasectomy (NSV) ay isang minimally invasive surgical procedure na ginagamit para sa permanenteng male contraception. Hindi tulad ng mga tradisyunal na vasectomies, ang NSV ay hindi nangangailangan ng mga paghiwa. Sa halip, ang isang maliit na pagbutas ay ginawa sa scrotum upang ma-access at maputol ang mga vas deferens, ang mga tubo na nagdadala ng tamud mula sa mga testicle patungo sa urethra. Ang NSV ay isang ligtas, mabilis, at lubos na epektibong paraan, na nag-aalok ng mas mabilis na paggaling at mas kaunting mga komplikasyon kumpara sa mga tradisyonal na pamamaraan ng vasectomy.
Paano ito gumagana?
Nagsisimula ang proseso sa pamamagitan ng lokal na anesthesia upang pamanhidin ang scrotum. Gumagamit ng isang espesyal na instrument upang gumawa ng maliit na butas, kaya hindi na kailangan ng tahi. Sa pamamagitan ng butas, ang vas deferens ay pinaputol at tinatali upang pigilan ang sperm na pumasok sa semilya. Karaniwan, ang butas ay naghihilom nang kusa, na nag-iiwan ng maliit na maliit na marka.
Gaano kaepektibo ang method na ito?
Ang NSV (No-Scalpel Vasectomy) ay higit sa 99% epektibo sa pagpigil ng pagbubuntis.
Mga pros
- Maliit na butas lamang, hindi malaking hiwa
- Mas kaunti ang sakit na maaaring maramdaman at mas mabilis na paggaling
- Mas mababa ang panganib ng impeksyon at pagdurugo
Cons
- Kailangang gumamit ng alternatibong kontraseptibo habang inuubos ang sperm
- Kailangan ng pagsusuri ng semilya pagkatapos ng procedure upang tiyakin na wala nang natirang sperm
DKT Philippines Foundation
Nag-aalok ang DKT Philippines Foundation ng libreng No-Scalpel Vasectomy buong taon, na isinasagawa ng bihasang medical professionals. Ang ligtas, minimally invasive, at permanenteng kontrasepsyon para sa kalalakihan ay available sa mga kwalipikadong lalaki nang walang bayad. Layunin ng DKT Philippines Foundation na gawing accessible ang vasectomy sa mga Pilipino na walang kakayahang pinansyal at hikayatin ang mga kalalakihan na isaalang-alang ito para sa responsableng pagpaplano ng pamilya. Nagbibigay din kami ng mga detalye tungkol sa mga partner clinics at proseso kung paano magpa-register.
Nagsasagawa kami ng mga activities upang turuan ang publiko tungkol sa vasectomy sa pamamagitan ng mga TV at radio commercials, online content, at mga outreach sa ibaโt ibang komunidad. Ang aming layunin ay hamunin ang mga maling akala at kultural na hindi madalas pagusapan. Mas pinapaigting ang kampanyang ito tuwing World Vasectomy Day, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon tungkol sa mga benepisyo, pagiging simple, at reversibility ng procedure.
Kung interesadong mag-avail ng LIBRENG vasectomy, mangyaring mag-message sa DKT Philippines Foundation sa Facebook.
Sanggunian:
WebMD. (2023) . Vasectomy overview. Retrieved August 22, 2024, from
https://www.webmd.com/sex/birth-control/vasectomy-overview#1
Verywell Health. (2023, August 8) . No-scalpel vasectomy: What you need to know.
Verywell Health. https://www.verywellhealth.com/no-scalpel-vasectomy-906903