Ano ito?
Ang pregnancy test kit ay isang simpleng at convenient na tool na tumutulong sa iyo para malaman kung ikaw ay buntis. Posible ito sa pamamagitan ng pagtukoy ng presensya ng isang hormone na tinatawag na human chorionic gonadotropin (hCG) sa iyong ihi. Ang hormone na ito ay ginagawa ng katawan kaagad pagkatapos magdikit ang fertilized na itlog sa lining ng matris at isang siguradong palatandaan ng maagang pagbubuntis.
Paano ito gamitin?
- Mid-Stream Wand Type: Ang ganitong uri ng test ay madaling gamitin. I-hold lamang ang absorbent tip ng wand sa ilalim ng agos ng iyong ihi ng ilang segundo. Pagkatapos, lalabas ang resulta sa loob ng ilang minuto. Mas pinipili ang mid-stream type dahil sa kaginhawaan nito, dahil hindi na kinakailangan pang mangolekta ng sample ng ihi sa hiwalay na lalagyan.
- Cassette Type: Sa cassette-type na test, kailangan mong mangolekta ng maliit na sample ng ihi sa isang malinis na lalagyan. Gamit ang dropper na kasama sa kit, maglagay ng ilang patak ng ihi sa testing area ng cassette. Pagkatapos ng ilang minuto, lalabas na ang resulta.
Ang parehong mid-stream at cassette-type na pregnancy test ay may mataas na accuracy, na karamihan ay may 99% accuracy kapag ginamit ng tama. Gayunpaman, may ilang mga dahilan na maaaring makaapekto sa accuracy, tulad ng tamang timing ng test at pagsunod sa mga instruksyon. Ang pagsusuri ng masyadong maaga ay maaaring magdulot ng false negative, kaya't madalas na inirerekomenda na mag-test isang linggo pagkatapos ng na-miss na period para sa pinakamataas na accuracy ng resulta.
Alinman sa dalawang uri ng pregnancy test kit na nabanggit ang gagamitin mo, meron kang maaasahan at madaling gamitin na paraan upang matukoy kung ikaw ay buntis.
Ang Trust Reproductive Health Choices ay mayroong dalawang uri ng pregnancy test kits: TRUST Clear Check Cassette-type at TRUST Clear Check Mid-Stream Wand Type.
Sanggunian:
Cleveland Clinic. (2022, November 28). Pregnancy tests. Cleveland Clinic.
https://my.clevelandclinic.org/health/diagnostics/9703-pregnancy-tests