Para sa karamihan, ang "pull-out" method o ‘withdrawal’ ang ginagawa kapag walang nakahandang condom. Popular ito, libre at ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nananatili itong isa sa mga pinakaginagamit na paraan ng kontrasepsyon sa buong mundo.
Ngunit isa nga ba itong maaasahang pamamaraan o naglalaro ka lang ng "baby at STI roulette"?Â
Ang 1-in-5 Rule: Bagsak na Grado
Ang pinakamalaking problema sa pag-pull out ay ang pagdepende nito sa pag-pull out ang lalaki sa tamang paraan at oras. Ayon sa CDC, ang failure rate ng withdrawal ay 22%—ibig sabihin, halos 1 sa bawat 5 na magpartner ay nauuwi sa pagbubuntis sa loob ng isang taon kung umaasa lang sila sa withdrawal.
Ang Panganib sa Pre-Cum
Kahit na perpekto ang iyong timing, may panganib pa din ang pre-cum dahil ito’y maaaring maglaman ng mga aktibong semilya. Ito ay nailalabas mo na bago ka pa man tuluyang labasan o mag-climax. Bukod dito, kung kaka-ejaculate mo lang, ang semilya ay maaaring mamalagi sa urethra at sumama sa susunod na paglabas. Maaaring ginagawa mo ang lahat nang tama, ngunit magtatapos pa rin sa isang positibong pregnancy test dahil hindi mo kontrolado ang pre-cum.
Mga STI
Marahil ang pinakamapanganib na dulot ng pull-out method ay ang walang proteksyon nito laban sa Sexually Transmitted Infections (STIs).
Maraming STI, tulad ng HPV at Herpes, ay naipapasa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact o ‘pagdikit ng balat’. Sa oras na nag-pull out ka, malamang nahawaan ka na. Ang iba namang STI, tulad ng HIV, Chlamydia, at Gonorrhea, ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng pre-ejaculate o vaginal fluids. Kung walang proteksyon, hinahayaan mong hindi ligtas ang iyong sarili.
Isang Mas Mainam na Paraan Upang Makaiwas sa Pagbubuntis at Sakit
Ang stress ng pag-aalala sa "tamang timing" ay madalas ding nakakasira ng mood. Para sa kapayapaan ng isip at maaasahang proteksyon, ang paggamit ng condom, tulad ng PREMIERE Condoms, ang tanging paraan upang matiyak na ang iyong kinabukasan ay mananatili sa iyong mga kamay. PREMIERE Condoms, is the only way to ensure your future stays in your hands.
Huwag hayaang ang isang "pull-out fail" ang magtakda ng iyong kinabukasan. Maging isang responsableng partner, iwasan ang stress ng withdrawal, at pumili ng paraan na tunay na epektibo.
Mga Sanggunian:
- Centers for Disease Control and Prevention (CDC). (2023). Contraception: Effectiveness. In Reproductive Health. https://www.cdc.gov/reproductivehealth/contraception/index.htm
- Planned Parenthood. (2024). Withdrawal (Pull Out Method). In Learn About Birth Control. https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/withdrawal-pull-out-method
- Cleveland Clinic. (2024). Withdrawal Method (Pulling Out). In Cleveland Clinic Health Library. Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/articles/withdrawal-method