Mabilis mababawi ang lakas pagkatapos ng pagbubuntis at panganganak.
May panahon para sa pamilya (anak, asawa at sa kanyang sarili).
Mas maayos maaalagaan at mapapalaki ang mga anak.
Mas maaalagaan ang kanyang sariling kalusugan at kapakanan.
Makakaipon para sa pag-aaral at iba pang pangangailangan ng mga anak.
Mas may panahon para sa pamilya, at magagampanan ang mga tungkulin.
Mas mabibigyan ng sapat na panahon sa pagpapasuso, pagpapabakuna, wastong nutrisyon at pangangalaga sa ngipin.
Mabibigyan ng sapat na edukasyon, pagmamahal, pag-aaruga at kalinga, at paghubog ng wastong kaisipan.
Mas mababantayan ang kalusugan.
Mas makakamit ang mas maginhawang kabuhayan dahil matutugunan ang mga pangangailangan.
98% mabisa kung tama ang paggamit, pagsuot at pagtanggal nito.
Isinusuot ng lalaki sa kanyang matigas na ari bago tuluyang makipagtalik.
Nakatutulong para makaiwas sa mga sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik tulad ng HIV at mga Sexually Transmitted Infections (STI).
99.95% mabisa sa tamang paggamit.
Isang iniksyon lang bawat isang (1) buwan. Nagiging regular ang pagdating ng regla.
Pwedeng itigil anumang oras na gusto muling magka-anak.
99.7% mabisa sa tamang paggamit.
Isang iniksyon lang kada tatlong (3) buwan.
Ligtas gamitin ng mga nagpapasusong ina.
Hindi nakakaapekto sa pagnanais sa pakikipagtalik.
Mabisa at hindi sagabal sa pakikipagtalik.
Ito ay iniinom ng babae araw-araw sa parehong oras na walang mintis.
Pwedeng itigil inumin anumang oras na gusto muling magka-anak.
99.7% mabisa kung tama ang pag-inom nito.
Pinipigilan ang obulasyon (o ang paglabas ng hinog na itlog mula sa obaryo ng babae).
May sangkap na “hormones” (estrogen at progestin) na pumipigil sa pagbubuntis ng babae.
Hindi inirerekomenda sa mga nagpapasusong ina.
99.5% mabisa kung tama ang pag-inom nito.
May sangkap na progestin hormone na pumipigil sa obulasyon ng babae.
Ito ay angkop sa mga nagpapasuso, dahil sa hindi nababawasan ang daloy at dami ng gatas ng nagpapasusong ina.
99.4% mabisa
Hanggang 10 taon ang bisa
Maliit at malambot na plastic device na inilalagay ng trained health care provider sa matris ng babae.
Ligtas gamitin ng mga nagpapasusong ina.
Hindi nakakaapekto sa pagnanais sa pakikipagtalik.
Hindi. May mga pills na hiyang sa iyo at makatutulong na panatilihin ang kasalukuyang timbang o di kaya ay magbigay ng karagdagang benepisyo sa pagganda ng kutis.
Maraming ibang dahilan kung bakit tumataba, katulad ng pagbagal ng metabolism habang nagkakaedad o di kaya’y paglakas ng gana sa pagkain.
Ipinapayo na bigyan ang sarili ng hanggang tatlong buwan para makapag-adjust at maging hiyang dito.
Kapag hindi nasanay ang katawan sa takdang panahon, kumunsulta sa Doktor sa pagpapalit ng pills at patuloy na hanapin ang hiyang sa iyo.