Magkano ang TRUST BLOOM Ovulation Test?
Ang TRUST BLOOM ovulation test ay Php 62.00 (SRP)
Magkano ang TRUST CLEAR CHECK Casette Type Pregnancy Test?
Ang TRUST CLEAR CHECK Casette Type Pregnancy Test ay Php 52.00 (SRP)
Magkano ang TRUST CLEAR CHECK Mid-Stream Wand Type Pregnancy Test?
Ang TRUST CLEAR CHECK Mid-Stream Wand Type Pregnancy Test ay Php 92.00 (SRP)
Ano ang Trust Pinay?
Ang TRUST Pinay ay isang safe space kung saan pwede ka magtanong ng kahit ano tungkol sa sexual and reproductive health. Ang usapan natin at mga impormasyon na ibibigay mo tungkol sa sarili mo ay mananatiling pribado. Pinapa-alala rin namin na kami'y hindi mga doktor o medical professional, so kung meron kang malubhang karamdaman o emergency, mainam na kumunsulta sa doktor sa lalong madaling panahon.
Paalala lamang na hindi ito advertisement. Ang mga laman ng page na ito ay para magbigay ng mga impormasyon lamang. Hindi ito naghahangad na mag diagnose o gamutin ang kahit anong medical condition at hindi dapat bigyang kahulugan bilang kapalit ng propesyonal na payong medikal.
Mainam na komunsulta sa iyong doctor o health care provider bago ka magsimulang gumamit ng kahit anong contraceptive method para mabigyan ka ng payo kung anong nababagay sa iyong kalusugan at kung pano ito gamitin ng tama.
Paano po ba itake ang pills? Kailan ko po ba dapat istart ang pills? Dapat ba i-wait mens ko?
Ang pills ay araw-araw iniinom, at mainam na magsimulang uminom ng pills any day WITHIN the first 5 days of menstruation para protektado agad sa pagbubuntis. Ngunit, kapag nagsimula naman AFTER the first 5 days of menstruation, kailangan mag back-up contraceptive (condom) sa first 7 days ng pag-inom nito. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Paano po ba itake ang Althea?
Ang pills ay araw-araw iniinom, at mainam na magsimulang uminom ng pills any day WITHIN the first 5 days of menstruation para protektado agad sa pagbubuntis. Ngunit, kapag nagsimula naman AFTER the first 5 days of menstruation, kailangan mag back-up contraceptive (condom) sa first 7 days ng pag-inom nito. Mayroon kang 7 free-pill days pagkatapos mong inumin ang 21 pills. Mainam na magsimula agad uminom ng panibagong pakete pagkatapos ng 7 free-pill days mo para tama at tuloy-tuloy ang pagpigil sa pagbubuntis. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Paano po ba i-take ang Daphne?
Ang pills ay araw-araw iniinom, at mainam na magsimulang uminom ng pills any day WITHIN the first 5 days of menstruation para protektado agad sa pagbubuntis. Ngunit, kapag nagsimula naman AFTER the first 5 days of menstruation, kailangan mag back-up contraceptive (condom) sa first 2 days ng pag-inom nito. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Safe po ba magsimulang magtake ng pills right after sex? Paano po kung nagkaroon ng unprotected sexual intercourse?
Hindi. Paalala lamang na ang oral contraceptive pills ay hindi emergency contraceptive. Ang tamang pag-inom ng pills ay - Ang pills ay araw-araw iniinom, at mainam na magsimulang uminom ng pills any day WITHIN the first 5 days of menstruation para protektado agad sa pagbubuntis. Ngunit, kapag nagsimula naman AFTER the first 5 days of menstruation, kailangan mag back-up contraceptive (condom) sa first 7 days ng pag-inom nito. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Kung nagkaroon ng unprotected sexual intercourse at nababahala ka na maaari itong magdulot ng pagbubuntis, maaari namin marekomenda ang Yuzpe Method - Kung ikaw ay biktima ng sexual assault sa loob ng 5 araw at sa tingin mo mayroong mataas na posibilidad na ikaw ay mabuntis (halimbawa, nangyari ang panggagahasa sa ika-2 or ika-3 linggo ng iyong menstrual cycle), maaaring maiwasan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pag-inom ng 4 TRUST Pills, Lady Pills, o Charlize Pills sa lalong madaling panahon, at uminom ulit ng 4 TRUST Pills, Lady Pills, or Charlize Pills pagkalipas ng 12 oras.
Kung ikaw ay sumuka sa loob ng 2 oras pagkatapos mo uminom ng kahit alin man sa dalawang doses, dapat mong ulitin ang pag-inom nung dosis. Tandaan na mas mabisa ito kung mas kaagad mo itong uumpishan.
Ang paraan ng emergency contraception na ito (kilala bilang “Yuzpe method’) ay hindi reresulta sa pagpapalaglag- ito ay pumipigil lamang sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpigil sa ovulation.
Kung ikaw ay buntis na at ikaw ay uminom ng pills, ang hormones mula sa Yuzpe doses ay hindi makakaapekto sa pagbubuntis, at hindi magkakaroon ng diperensya ang iyong anak.
Inimumungkahi din na ikaw ay kaagad-agad na sumangguni sa iyong doktor o kaya’y sa mga kinauukulan kapag gagawin ang Yuzpe method. Maaaring bigyan ka ng antibiotics upang maiwasang makakuha ka ng sexually transmitted infections. Ang mga biktima ng panggagahasa ay dapat agarang makipag-ugnayan sa awtoridad upang suriin ang sitwasyon at iwasang maulit ang gahasa.
Source: Department of Health. The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning (2014 Edition). Manila, Philippines: DOH. 2014. Pp231-239
This method is not intended for children, pregnant women, and breastfeeding/lactating mothers.
Natapos ko na ang Yuzpe Method. Ano pong gagawin sa natitirang pills?
Hindi po kailangan inumin ang natitirang pills pagkatapos ng Yuzpe Method. Pero maaari kang uminom ng 1 pill araw-araw sa parehong oras (hal. tuwing 8PM) KUNG nais mo itong gamitin bilang regular na kontrasepsyon mo.
Gaano katagal madedelay ang cycle ko after gawin ang yuzpe method?
Ang pagdating ng iyong regla pagkatapos gawin ang Yuzpe Method ay ang siguradong senyales na hindi ka buntis, kaya rin siguro napatanong ka kung kailan mo ito maaaring asahan.
Ang Yuzpe Method ay maaaring magdulot ng kaunting pansamantalang pagbabago sa iyong siklo ng regla, tulad ng pagpapaaga o pag-aantalang regla kumpara sa karaniwan. May ilang babae na dinatnan ng regla pagkatapos ng isa o dalawang linggong delay. May iba naman na lumipas pa ang tatlo hanggang apat na linggo.
Pwede ko bang doblehin ang paggawa ng Yuzpe Method para mas mabisa?
Ang paggawa ng Yuzpe Method nang dalawang beses o pag-inom ng pills nang higit pa sa ayon sa direksyon ay hindi makakadagdag sa bisa nito, pero maaari nitong mapalala ang mga karaniwang karanasan tulad ng pagduduwal.
Para masiguro na lubos itong mabisa, sundan nang mabuti ang mga hakbang at gawin ito sa loob ng iminumungkahing panahon. Uulitin, mas mainam kung mas maaga.
Pwede bang gawin ang Yuzpe Method nang higit sa isang beses sa loob ng isang linggo o buwan?
Maaaring ulitin ang Yuzpe Method kung kinakailangan, kahit sa loob ng iisang siklo ng regla. Ngunit, tandaan na dahil ito’y emergency contraception, layon nito ay magsilbing backup method. Hindi iminumungkahing gamitin ang Yuzpe Method bilang regular na kontrasepsyon maliban na lang kung kailangan talaga. Mabuting gawin lamang ito bilang huling solusyon kapag nabigo ang ibang kontrasepsyon o hindi nakagamit ng kontraseptibo habang nakikipagtalik nang walang proteksyon. Mabuting gumamit ng long acting reversible contraceptive (LARC) methods nang regular kung nais lubos na maprotektahan mula sa hindi inaasahang pagbubuntis.
Gaano ka-effective ang Yuzpe Method? Effective pa rin ba ’to during ovulation?
Ang Yuzpe Method ay halos 88% epektibo sa pagpigil sa pagbubuntis kapag nagawa sa loob ng 72 oras pagkatapos ng hindi protektadong pakikipagtalik, at mas mabisa ito kapag mas maaga at tamang nagawa. Epektibo pa rin ito habang ovulation mo ngunit hindi kasing epektibo tulad sa ibang araw ng iyong siklo.
Safe po ba ako sa 7 free-pill days ko? (Althea)
Safe ka sa 7 free-pill days mo basta siguraduhin lamang na tama at araw-araw ang pag-inom ng 21 pills at mainam na magsimula agad sa panibagong pakete ng pills pagkatapos ng iyong 7 free-pill days para tama at tuloy-tuloy ang pag-pigil sa pagbubuntis.
Safe po ba ang withdrawal method? Nag pills naman po ako after namin magsex
Hindi. Paalala lamang na hindi 100% safe at effective ang withdrawal o pull-out method bilang birth control method. Paalala lang din na hindi emergency contraceptive ang oral contraceptive pills. Ang tamang pag-inom ng pills ay - Ang pills ay araw-araw iniinom, at mainam na magsimulang uminom ng pills any day WITHIN the first 5 days of menstruation para protektado agad sa pagbubuntis. Ngunit, kapag nagsimula naman AFTER the first 5 days of menstruation, kailangan mag back-up contraceptive (condom) sa first 7 days ng pag-inom nito. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Anong pills ang mura?
Saan po pwede makakuha ng libreng consultation para sa contraceptive pills ko?
Ano pong pills ang marereccommend niyo?
Marami pong pills ang mabibili sa botika, at lahat sila ay napakabisa basta tama ang paggamit. Ang nababagay na pills sa iyo ay nakadepende sa iyong lifestyle, kalusugan, at medical history. Kaya bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Kailangan po ba ng reseta para sa pills? Saan po makakakuha?
Hiningan po kami ng reseta sa pharmacy nung bumili kami.
Kung kailangan mo ng reseta para sa pills mo o nais mong malaman kung ano ang tamang contraceptive method na para sa’yo, mas mainam na ikaw ay kumonsulta sa iyong doktor/health care provider upang malaman kung ano ang tamang pills/contraceptive method para sa’yo.
May online shop po ba kayo para sa pills?
Wala po. Marami pong pills ang mabibili sa botika, at lahat sila ay napakabisa basta tama ang paggamit. Ang nababagay na pills sa iyo ay nakadepende sa iyong lifestyle, kalusugan, at medical history. Kaya bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Ano pong pills ang marereccommend niyo?
Marami pong pills ang mabibili sa botika, at lahat sila ay napakabisa basta tama ang paggamit. Ang nababagay na pills sa iyo ay nakadepende sa iyong lifestyle, kalusugan, at medical history. Kaya bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Ano pong contraceptive method ang marerecommend niyo?
Marami pong contraceptive method ang pwedeng pagpilian, at nababase po ito sa inyong kalusugan, medical history, at lifestyle. Bago ka bumili o magsimulang gumamit ng kahit anong contraceptive method, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.z
Paano po magswitch galing sa injectable contraceptive to pills?
May tinatawag na ‘No Gap Method’ na kung saan ay maaari kang magsimulang uminom ng pills sa araw na due ang next shot mo ng injectable contraceptive para tama at tuloy-tuloy ang pag-pigil sa pagbubuntis. Bago ka bumili o magsimulang gumamit ng kahit anong contraceptive method, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Kakapanganak ko lang, ano po pwedeng pills sa akin?
Mainam sa mga nagpapadedeng nanay ang Progestin-only pill. Ngunit, maaaring magsimulang gumamit nito 6 weeks pagkatapos ng iyong panganganak. Pero bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sayo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Hindi po ba pwede ang ibang pills (para sa nagpapadede)?
Ang Combined Oral Contraceptives (COC) katulad ng TRUST Pill, kapag ininom ng nagpapadedeng nanay, ay maaaring maka-apekto sa kalusugan ng sanggol.
Hindi pa po ako nagkakaroon ng menstruation simula noong nanganak ako, pwede po ba ako magpills?
Kung kailangan mo ng reseta para sa pills mo o nais mong malaman kung ano ang tamang contraceptive method na para sa’yo, mas mainam na ikaw ay kumonsulta sa iyong doktor/health care provider upang malaman kung ano ang tamang pills/contraceptive method para sa’yo.
Pwede po ba ang DAPHNE kahit hindi nagpapadede?
Opo, pwedeng inumin ng babaeng hindi nagpapadede ang Progestin-only pill katulad ng DAPHNE. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Pwede po ba ang DAPHNE kahit hindi nagpapadede?
Opo, pwedeng inumin ng babaeng hindi nagpapadede ang Progestin-only pill katulad ng DAPHNE. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Nagkaroon po ako ng menstruation during the 7 free-pill days o sa may inactive pills? Dapat ko po bang ihinto ang pag-inom ng pills at magsimula agad sa panibagong pakete?
Mainam lamang na tama at tuloy-tuloy ang pag-inom ng pills datnan man o hindi para tuloy-tuloy ang pagpigil sa pagbubuntis.
Delayed po mens ko, mabubuntis ba ako?
Kapag tuluy-tuloy ang pag-inom ng pills, maaaring datnan o di datnan ng regla – normal lang ito, hindi kailangan ikabahala, at wala naman po itong malubhang epekto sa katawan. Ipagpatuloy lang ang pag-inom ng pills.
Huminto po ako ng gamit ng pills ilang buwan na nakalipas pero bakit hindi pa rin po ako nagkakaroon?
Maaaring makaranas ng irregular menstruation sa unang 3 buwan simula ng huminto kang uminom ng pills hanggang magstabilze ang iyong menstrual cycle.
Ano pong gagawin ko kung may missing or damaged pills po ako?
Mas mainam na mapalitan agad ito gamit ang bagong pakete ng pills - palitan ang nawawala o damaged pill/s gamit ang panibagong pakete ng pills.
Para saan po ba ang pills? Ano pong benefits ng pills?
Ang oral contraceptive pills ay para sa contraception o treatment of menstrual disorders katulad ng dysmenorrhea, premenstrual syndrome, at menorrhagia. Bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Ano pong benefits ng Althea?
Ang ALTHEA ay nakakatulong makabawas at iwas ng acne at seborrhea. Ang ALTHEA ay naglalaman ng cyproterone acetate na nagsisilbi bilang antiandrogen. Ang Cyproterone Acetate ay nakakatulong pumigil ng androgens na ninilabas ng mga kababaihan. Pero bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Magkano po ang Althea?
Ang Althea ay nagkakahalagang Php 514.00 SRP. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Magkano po ang Daphne?
Ang Daphne ay nagkakahalagang Php 156.50 SRP. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Magkano po ang Trust Pill?
Ang Trust Pill ay nagkakahalagang Php 57.75 SRP. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Magkano po ang Charlize?
Ang Charlize ay nagkakahalagang Php 71.50 SRP. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Magkano po ang Lady?
Ang Lady ay nagkakahalagang Php 50.20 SRP. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Maari po ba ako magswitch ng pills?
Bago ka bumili o magsimulang uminom ng ibang uri ng pills, mas mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Maari po ba akong magswitch ng contraceptive method?
Bago ka bumili o magsimulang gumamit ng kahit anong contraceptive method, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Nakakataba po ba ang pills?
Hindi nakakataba ang pills ngunit may ilang mga babae na maaaring makaranas ng mga pagbabago sa timbang bilang side effect ng pagbabago ng hormones. Hindi lahat ng babae ay makakaranas nito. Kung nakakaranas ka ng mga pagbabago sa timbang, ito ay dahil sa pagpapanatili ng TUBIG sa katawan na dulot ng mga pagbabago sa mga hormones sa iyong katawan, at HINDI dahil sa pagdagdag ng mga taba.
Basahin rin ang artikulong ito para alamin ang higit pa tungkol sa kung paano ka makakatulong sa pagbabawas ng nananatiling tubig sa katawan:
https://www.healthline.com/nutrisyon/6-ways-to-reduce-water-retention#section3
Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Kailangan po ba tuloy tuloy i-take ‘yung pills para hindi mabuntis?
Mainam na tama at araw-araw ang pag-inom ng pills para tuloy-tuloy ang pagpigil sa pagbubuntis. Kailangan ubusin ang 7 brown pills (ng TRUST Pills or LADY Pills) at magsimula kaagad ng bagong pakete para tuluy-tuloy ang pagpigil sa pagbubuntis.
Kailangan po ba tuloy-tuloy ang pag-inom ng pills?
Kung umiinom ng ALTHEA, kailangan mag-observe ng 7 pill-free days bago magsimula ng panibagong pack.
Pwede po ba magtake ng pills after ng pakikipagtalik para hindi mabuntis? / Paano gamitin ang TRUST Pills as emergency contraceptive? / Meron kayong emergency contraceptive pills?
Kung ikaw ay biktima ng sexual assault sa loob ng 5 araw at sa tingin mo mayroong mataas na posibilidad na ikaw ay mabuntis (halimbawa, nangyari ang panggagahasa sa ika-2 or ika-3 linggo ng iyong menstrual cycle), maaaring maiwasan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng paginom ng 4 TRUST Pills, Lady Pills, o Charlize Pills sa lalong madaling panahon, at uminom ulit ng 4 TRUST Pills, Lady Pills, or Charlize Pills pagkalipas ng 12 oras.
Kung ikaw ay sumuka sa loob ng 2 oras pagkatapos mo uminom ng kahit alin man sa dalawang dosis, dapat mong ulitin ang paginom nung dosis. Tandaan na mas mabisa ito kung mas kaagad mo itong uumpishan.
Ang paraan ng emergency contraception na ito (kilala bilang “Yuzpe method’) ay hindi reresulta sa paglalaglag- ito ay pumipigil lamang sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpigil sa ovulation. Kung ikaw ay buntis na at ikaw ay uminom ng pills, ang hormones mula sa Yuzpe doses ay hindi makakaapekto sa pagbubuntis, at hindi magkakaroon ng diperensya ang iyong anak.
Inimumungkahi din na ikaw ay kaagad-agad na sumangguni sa iyong doktor o kaya’y sa mga kinauukulan kapag gagawin ang Yuzpe method. Maaaring bigyan ka ng antibiotics upang maiwasang makakuha ka ng sexually transmitted infections. Ang mga biktima ng panggagahasa ay dapat agarang makipag-ugnayan sa awtoridad upang suriin ang sitwasyon at iwasang maulit ang gahasa.
Source: Department of Health. The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning (2014 Edition). Manila, Philippines: DOH. 2014. Pp231-239
Magkano po ba ang pills?
Nabibili ang pills sa mga pangunahing botika sa halagang P50.20-P489.15/box (SRP), depende sa uri. Ang IUD ay P125.50/piraso (SRP). Ang injectables ay P90.30-P125.50/dosis (SRP), depende sa uri. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong contraceptive method, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.
Nakalimutan ko po inumin ang DAPHNE pills ko ngayon, pero ininom ko naman kaagad. Mabubuntis po ba ako?
Kapag nakaligtaang inumin ang DAPHNE pill sa loob ng 3 oras:
1. Inumin ang nakaligtaang pildoras sa sandaling maalala
2. Ipagpatuloy ang pag-inom ng isang pildoras araw-araw sa nakagawiang oras
Kapag nakaligtaan inumin ang DAPHNE pill ng higit sa 3 oras:
1. Inumin agad ang nakaligtaang pildoras
2. Inumin ang mga susunod na pildoras sa nakatakdang oras kahit na ito’y nangangahulugang pag-inom ng dalawang (2) pildoras para sa araw na iyon
3. Gumamit ng condom o iwasan ang pakikipagtalik sa susunod na 2 araw
Nakalimutan ko po inumin ang TRUST/Lady/Charlize/Althea pills ko, mabubuntis ba ako?
Kapag nakaligtaang uminom ng isang Trust/Lady/Charlize/Althea Pill:
1. Inumin ang nakaligtaang pildoras sa sandaling maalala
2. Inumin ang nakatakdang pildoras sa nakagawiang oras
3. Ipagpatuloy ang pag-inom ng isang pildoras araw-araw sa nakagawiang oras
4. Hindi na kailangan ang karagdagang proteksyon
Kapag nakaligtaang uminom ng 2 or more Trust Pill/Lady/Charlize/Althea Pill:
1. Inumin ang pinakahuling nakaligtaang pildoras at itapon ang mga iba pang nakaligtaang pildoras
2. Gumamit ng condom o iwasan ang pakikipagtalik sa susunod na pitong (7) araw
3. Bilangin ang natitirang pildoras sa pakete
A. Kung 1 hanggang 6 na pildoras ang natira sa pakete:
- Ipagpatuloy ang pag-inom araw-araw ng isang pildoras hanggang maubos
- Itapon ang 7 inactive na pildoras
- Magsimula kaagad ng bagong pakete at gumamit ng condom sa susunod na pitong (7) araw
B. Kung 7 o higit pang pildoras ang natira sa pakete
- Ipagpatuloy ang pag-inom araw-araw ng pildoras hanggang maubos lahat kasama ang inactive na pildoras
- Magsimula ng bagong pakete
Nakakaapekto ba sa bisa ng pills ang alak?
Hindi. Maaaring uminom ng pills at ng alak.
Ano pong pwede pills sa may highblood? And taking maintenance?
Para sa mga taong napatunayang may high blood, ayon sa World Health Organization's Medical Eligibility Criteria, mas mainam gumamit ng Progestion Only Contraceptives tulad ng Progestin-only Pills (Daphne) o kaya ay Progestin Injectables (DepoTrust o Lyndavel). Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.