Frequently Asked Questions
Ang Family Planning ay ang pagpaplano ng minimithing BILANG at wastong PAG-AAGWAT ng mga anak. Ito ay kadalasang nakakamit sa pamamagitan ng paggamit ng mga moderno, mabisa at epektibong pamamaraan ng contraception.
Mga Benepisyo ng Family Planning
Ina
- Mabilis mababawi ang lakas pagkatapos ng pagbubuntis at panganganak.
- May panahon para sa pamilya (anak, asawa at sa kanyang sarili).
- Mas maayos maaalagaan at mapapalaki ang mga anak.
- Mas maaalagaan ang kanyang sariling kalusugan at kapakanan.
Ama
- Makakaipon para sa pag-aaral at iba pang pangangailangan ng mga anak.
- Mas may panahon para sa pamilya, at magagampanan ang mga tungkulin.
Sanggol at mga anak
- Mas mabibigyan ng sapat na panahon sa pagpapasuso, pagpapabakuna, wastong nutrisyon at pangangalaga sa ngipin.
- Mabibigyan ng sapat na edukasyon, pagmamahal, pag-aaruga at kalinga, at paghubog ng wastong kaisipan.
Buong Pamilya
- Mas mababantayan ang kalusugan.
- Mas makakamit ang mas maginhawang kabuhayan dahil matutugunan ang mga pangangailangan.
Mga Modernong Pamamaraan ng Family Planning
Condom
- 98% mabisa kung tama ang paggamit, pagsuot at pagtanggal nito.
- Isinusuot ng lalaki sa kanyang matigas na ari bago tuluyang makipagtalik.
- Nakatutulong para makaiwas sa mga sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik tulad ng HIV at mga Sexually Transmitted Infections (STI).
Injectables
- Combined Injectable Contraceptive
- 99.95% mabisa sa tamang paggamit.
- Isang iniksyon lang bawat isang (1) buwan. Nagiging regular ang pagdating ng regla.
- Pwedeng itigil anumang oras na gusto muling magka-anak.
- Progestin Only Injectable
- 99.7% mabisa sa tamang paggamit.
- Isang iniksyon lang kada tatlong (3) buwan.
- Ligtas gamitin ng mga nagpapasusong ina.
- Hindi nakakaapekto sa pagnanais sa pakikipagtalik.
Pills
- Mabisa at hindi sagabal sa pakikipagtalik.
- Ito ay iniinom ng babae araw-araw sa parehong oras na walang mintis.
- Pwedeng itigil inumin anumang oras na gusto muling magka-anak.
Dalawang uri ng Pills:
- Combined Oral Contraceptives (COCs)
- 99.7% mabisa kung tama ang pag-inom nito.
- Pinipigilan ang obulasyon (o ang paglabas ng hinog na itlog mula sa obaryo ng babae).
- May sangkap na “hormones” (estrogen at progestin) na pumipigil sa pagbubuntis ng babae.
- Hindi inirerekomenda sa mga nagpapasusong ina.
- Progestin Only Pills (POPs)
- 99.5% mabisa kung tama ang pag-inom nito.
- May sangkap na progestin hormone na pumipigil sa obulasyon ng babae.
- Ito ay angkop sa mga nagpapasuso, dahil sa hindi nababawasan ang daloy at dami ng gatas ng nagpapasusong ina.
Intrauterine Device (IUD)
- 99.4% mabisa
- Hanggang 10 taon ang bisa
- Maliit at malambot na plastic device na inilalagay ng trained health care provider sa matris ng babae.
- Ligtas gamitin ng mga nagpapasusong ina.
- Hindi nakakaapekto sa pagnanais sa pakikipagtalik.
Tamang Kaalaman at Sagot sa mga MALING AKALA!
- Nakakataba ang Pills
- Hindi. May mga pills na hiyang sa iyo at makatutulong na panatilihin ang kasalukuyang timbang o di kaya ay magbigay ng karagdagang benepisyo sa pagganda ng kutis.
- Maraming ibang dahilan kung bakit tumataba, katulad ng pagbagal ng metabolism habang nagkakaedad o di kaya’y paglakas ng gana sa pagkain.
- Naiipon ba sa loob ng puson ang Pills?
Hindi. Inilalabas ito araw-araw sa pamamagitan ng pagdumi at pag-ihi. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang araw-araw itong inumin upang hindi mawala ang bisa sa katawan.
- Nakakaapekto ba ang Pills sa muling kakayahang magbuntis?
Ayon sa mga eksperto, wala. Ang kakayahang magbuntis ay karaniwang bumabalik sa loob ng 1-6 na buwan pagkatapos tumigil mag-Pills.
- Kinailangan bang magpahinga sa paggamit ng Pills kapag matagal ng gumagamit nito?
Hindi. Maraming pag-aaral ang nagsasaad na ang pangmatagalang paggamit ng pills ay nagtataglay ng maraming benepisyo sa kalusugan ng isang Pinay.
- Nakakaapekto ba ang Pills sa nagpapasuso na ina at sa kanyang anak?
Inirerekomendang gumamit lamang ng Progestin-only pills. Hindi ito nakakaapekto sa dami at kalidad ng gatas ng ina at hindi naaapektuhan ang kalusugan ng baby.
- Ang Pills ay nagdudulot ba ng kanser?
Hindi. Sa katunayan, ang pills ay nagbibigay ng proteksyon laban sa endometrial cancer at ovarian cancer.
- Nagdudulot ba ng sakit ng ulo ang Pills?
May mga paunang reaksyon ang bawat katawan sa Pills.
- Ipinapayo na bigyan ang sarili ng hanggang tatlong buwan para makapag-adjust at maging hiyang dito.
- Kapag hindi nasanay ang katawan sa takdang panahon, kumunsulta sa Doktor sa pagpapalit ng pills at patuloy na hanapin ang hiyang sa iyo.
- Kailangan bang itapon ang buong banig ng Pills kapag nakaligtaang uminom ng higit sa isang Pill?
Hindi. Tandaan lamang na kapag mahigit sa isang pill ang nakalimutan, kailangang mag back-up method tulad ng paggamit ng TRUST Condom at ubusin ang natitirang pills sa nakatakdang araw. Basahin ang product insert para magabayan sa tamang pag-inom kung may "Missed pills".
- Nawawala ba ang gana sa pagtatalik kapag nag-Pills?
Bigyan ang sarili ng hanggang tatlong buwan para makapag-adjust at maging hiyang dito.
- Naiipon ba ang regla sa katawan habang gumagamit ng Pills or Injectable?
Hindi. Lahat ng regla na dapat lumabas ay nailalabas habang umiinom ng pills o nainiksyunan ng injectable, kaya hindi ito naiipon sa katawan.
- Ang Pills ay nakaka-pimples. Hindi.
Hindi. May klase ng pills na nakakabawas ng pimples at nagbibigay ng magandang kutis.
- References:
- WHO Medical Eligibility Criteria for Contraception 5th Edition
- WHO John Hopkins Bloomberg School of Public Health/Center for Communication Programs. Family Planning: A Global Handbook for Providers. 2011
- WHO Family Planning : A Global Handbook for Providers 3rd Edition 2018
- Department of Health FAQs on Family Planning
- DOH Family Planning Printable Brochure as contributed by Health Promotion and Communication (Project from the help of USAID)
- The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning 2014 Edition
- Gollnick H, Albring M, Brill K. The effectiveness of oral cyproterone acetate in combination with ethinyl estradiol in an acne tarda of the facial type. Ann Endocrinal (Paris) 1999:60:157-166.
- All visuals on DKT Health Inc. Reference files